Inanunsyo ng Department of Health (DOH) ang paglalagay sa ‘White Code Alert’ ng lahat ng opistal sa buong bansa bilang paghahanda sa posibleng ‘medical emergencies’ sa paggunita ng All Saints’ Day at Souls’ Day mula Nobyembre 1-2.
Ngayong long weekend, siniguro ng DOH na mananatiling naka-standby ang lahat ng health professional at workers para tumugon sa mga mangangailangan ng atensyong medikal.
“All hospitals are totally prepared to deal with any medical emergencies during the long-weekend,” saad ni DOH spokesman Assistant Secretary Albert E. Domingo sa isang panayam.
Kasabay nito, nagpaalala ang opisyal sa mga indibidwal na may sakit na huwag nang magtungo sa mga sementeryo lalo na’t uso ang mga ‘influenza-like illnesses’ ngayong pabagu-bago ang lagay ng panahon.
“Your dead loved ones will not take it against you if you prioritize your health,” ani Domingo.
Hinikayat din ni Domingo ang publiko na mag-ingat sa mga ikokonsumong pagkain upang maiwasan ang ‘food poison’.