IBCTV13
www.ibctv13.com

1-2 bagyo, posibleng pumasok sa PAR bago matapos ang 2024 – PAGASA

Ivy Padilla
490
Views

[post_view_count]

Rainy afternoon along Commonwealth Avenue in Quezon City. (Photo by Faye Rosales, IBC News)

Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na isa hanggang dalawang bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa natitirang buwan ng 2024.

Nasa dalawa (2) hanggang walong (8) tropical cyclones ang inaasahang mabubuo at papasok sa PAR sa susunod na anim (6) buwan, partikular na mula December 2024 hanggang May 2025.

Ayon kay PAGASA Assistant Weather Services Chief Ana Liza Solis, kailangan pa rin paghandaan ang banta ng maraming ulan na maaaring mauwi sa pagbaha at pagguho ng lupa.

Nilinaw naman ng PAGASA na maaari pa ring maranasan ang maiksing La Niña phenomenon sa pagitan ng November at December 2024 hanggang January 2025.

“Despite the looming La Niña developing in the Tropical Pacific, we will still be experiencing La Niña like conditions na kung saan mas nagdo-dominate ang epekto ng pag-init ng temperatura ng dagat dito sa pasipiko na malapit sa ating karagatan sa Pilipinas,” paliwanag ni Solis.

Pinag-iingat din ang publiko mula sa matinding pagbaba ng temperatura mula Enero hanggang Pebrero 2025 dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.

Ngayong Huwebes, Nobyembre 21, patuloy ang pag-ihip ng Amihan na sinasamahan ng saglit na pag-ulan sa Extreme Northern Luzon.

Maalinsangan at mainit na panahon naman ang mararanasan sa malaking bahagi ng bansa, partikular na sa Western Mindanao at Eastern Visayas bunsod pa rin ng Easterlies o hangin na nanggagaling sa Karagatang Pasipiko.

As of 4:00 a.m., walang namamataang cloud cluster o kumpol ng kaulapaan na posibleng maging low pressure area (LPA) o tropical cyclone sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang sa darating na weekend.

Gayunpaman, patuloy hinihikayat ang publiko na maging handa at alerto sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. – AL

Related Articles

National

Divine Paguntalan

55
Views

National

85
Views