IBCTV13
www.ibctv13.com

1.4% inflation rate nitong Abril 2025, pinakamabagal magmula Nobyembre 2019 – PSA

D.P.
127
Views

[post_view_count]

Consumers buy fresh seafood in Malabon Market. (Photo by Ed Sagun, IBC file photo)

Bumagal pa sa 1.4% ang naitalang inflation rate sa Pilipinas para sa buwan ng Abril ngayong taon batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), Martes, Mayo 6.

Ito ay bahagyang mabagal mula sa 1.8% na naitala noong Marso 2025 at higit naman na mababa sa 3.2% sa kaparehong buwan noong 2024 na may 3.2%.

Ito na ang itinuturing na pinakamabagal na antas simula Nobyembre 2019.

Pangunahin na naging dahilan ng pagbagal ng inflation rate ay ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa ilalim ng kategoryang food and alcoholic beverages na nakakuha lamang ng 0.9%.

Nakatulong din sa pagbagal ng inflation ang sektor ng transportasyon na nakapagtala ng pagbagal na -2.1%.

Ang datos ay nananatiling nakalebel sa consumer price index na itinalaga ng pamahalaan mula 2%-4%. – AL/VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

78
Views

National

Hecyl Brojan

124
Views