IBCTV13
www.ibctv13.com

10 katao, patay sa hagupit ng bagyong Enteng, Habagat – NDRRMC

Divine Paguntalan
804
Views

[post_view_count]

An unidentified man has been swept off by flood waters from Antipolo river through Marikina river due to severe rainfall caused by Tropical Storm Enteng and Southwest Monsoon. (Photo by JM Pineda, IBC News)

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot na sa sampung katao ang nasawi dahil sa pagbaha at landslide dulot ng hagupit ni Tropical Storm Enteng na sinabayan pa ng Habagat.

Batay sa pinakahuling tala ng NDRRMC, dalawa ang namatay sa Central Visayas habang sampu ang sugatan at nasa 14 pamilya o katumbas ng 63 indibidwal mula sa tatlong barangay ang naapektuhan ng bagyo.

Anim na katao naman ang napaulat na nasawi sa Antipolo City, Rizal ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) dahil sa landslide at pagkalunod. Dalawa sa mga biktima ay menor de edad at isang 27-anyos na buntis mula sa Sitio Inapao, Barangay San Jose.

Kasabay nito, isang 44-anyos na ginang at apat na taong gulang na bata ang nalunod sa Barangay San Luis, Antipolo City habang hindi na tinukoy ang pagkakakilanlan ng isa pang biktima.

Dalawang indibidwal din ang nalunod sa Naga City, Camarines Sur kabilang na ang isang sanggol matapos malunod sa rumaragasang tubig.

Nananatiling naka-alerto ang regional offices ng NDRRMC para sa pagtutok sa sitwasyon sa mga komunidad na apektado ng bagyong Enteng sakaling kailangan magsagawa ng rescue operations.

Bukod sa mga nasalanta, apektado rin ang biyahe ng mga pasahero at delivery goods sa mga pantalan sa CALABARZON at Bicol Region dahil pansamantalang itinigil ang operasyon nito.

Aabot sa 739 pasahero, 282 rolling cargoes, 22 vessels at apat na motorbanca ang na-stranded nitong Lunes, Setyembre 2. – VC

Related Articles