IBCTV13
www.ibctv13.com

12 na proyekto, karapat-dapat lumipat sa CREATE MORE Incentives – BoI

Jerson Robles
89
Views

[post_view_count]

IBC file photo

Iniulat ng Board of Investments (BoI) na may 12 proyekto ang kwalipikado nang lumipat sa incentive regime ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE).

Ang mga proyektong ito ay may kabuuang investment capital na higit sa P15 bilyon at nakarehistro sa ilalim ng CREATE Act.

Sa isang advisory noong Disyembre 18, sinabi ni BoI Managing Head at Trade Undersecretary Ceferino S. Rodolfo na kinakailangan ng mga registered business enterprises (RBEs) na magsumite ng affidavit of intent at aplikasyon bago ang Disyembre 31 upang tuluyang makalipat.

“In our records there are 12 companies that have above P15- billion investments that are registered and they can now transfer to the CREATE MORE regime,” ani Rodolfo.

Ang mga aprubadong proyekto ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) ay magkakaroon ng mas mahabang insentibo mula 24 hanggang 27 taon, depende sa industriya at lokasyon.

Samantala, may 275 pre-CREATE projects pa na maaaring kwalipikado para sa CREATE regime kung saan 119 dito ang operational ngunit hindi pa nakikinabang sa income tax holiday incentive.

Ang BoI ay patuloy na nag-iingat sa pagbibigay ng fiscal incentives upang mapanatili ang kalusugan ng pondo ng gobyerno. Ang mga aplikasyon na isusumite pagkatapos ng itinakdang panahon ay hindi na tatanggapin, ngunit pinapayagan ang pagsusumite ng scanned copies via email habang hinihintay ang orihinal na kopya. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

89
Views

National

Ivy Padilla

88
Views