IBCTV13
www.ibctv13.com

13 panukalang batas vs. kriminalidad, isusulong ng quad comm

Ivy Padilla
1032
Views

[post_view_count]

Photo by House of Representatives

Tinukoy ni Surigao del Norte 2nd District Rep. and Quad Committee Chair Robert Ace Barbers ang 13 panukalang batas na binalabangkas ng komite para tugunan ang ‘systematic gaps’ sa pagpuksa ng mga ‘criminal activities’ sa bansa.

Sa ginanap na pagdinig ng Quad Comm kaugnay sa illegal drugs, extrajudicial killings, at POGOs ngayong Biyernes, Setyembre 27, binigyang-diin ni Rep. Barbers na layunin ng komite na tugunan ang mga butas sa batas at polisiya, gayundin ang magpatupad ng mga pang-matagalang reporma.

Kabilang sa isusulong na amyendahan ang RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na layong ibalik ang ‘death penalty’, partikular sa mga karumal-dumal na krimen.

Ayon kay Rep. Barbers, nag-urong sulong ang komite sa usapin ng parusang kamatayan noon kaya nawalan umano ng takot ang mga kriminal.

Kasama rin sa mga panukalang batas ang pag-amyenda sa Land Registration Act na pipigil sa mga foreign national na bumili ng lupain sa bansa gamit ang mga pekeng dokumento, batas sa birth registration na magtitiyak na tanging Filipino citizens lang ang maiisyuhan ng birth certificates, gayundin ang pag-alis ng kapangyarihan sa ibang ahensya na mag-isyu ng visa sa mga banyaga maliban sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Bukod dito, isusulong din ng komite ang pagpapawalang bisa sa Executive Order No. 13 series of 2017 at RA 11590 na nagpahintulot sa legalisasyon ng operasyon ng Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ilan pa sa panukalang nais amyendahan ang Cybercrime Law; Anti-Money Laundering Act; Revised Corporation Code of the Philippines; Local Government Code of 1991; Civil Registry Law, New Passport Act, at Witness Protection Act. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

80
Views

National

Ivy Padilla

81
Views