IBCTV13
www.ibctv13.com

13 Pinay surrogate mother, pinatawan ng 2-taong pagkakakulong sa Cambodia

Divine Paguntalan
247
Views

[post_view_count]

Makukulong ng dalawang (2) taon ang 13 Filipina na lumabag sa surrogacy ban sa Cambodia, ayon sa kumpirmasyon ng Philippine Embassy sa Phnom Penh.

Nauna nang na-detain ang mga sangkot na Pilipinas sa isang medical facility sa bansa matapos silang sagipin ng Cambodian National Police sa Kandal Province noong Setyembre 23.

Bukod sa pagkakasangkot sa surrogacy scheme, guilty rin sa kasong 2008 Law on the Suppression of Human Trafficking and Sexual Exploitation ang 13 Pinay na kinokonsiderang ‘felony’ sa Cambodia.

“For attempting to sell a person for cross-border transfer, the 13 Filipinos were meted a sentence of four years, which was reduced to two years due to mitigating circumstances vigorously argued by counsels appointed by the Embassy to pursue the best possible outcome within the framework of Cambodian law,” pahayag ng embahada.

Tiniyak naman ng pamahalaan ng Pilipinas na patuloy na makikipag-ugnayan ang bansa sa Cambodian law enforcement agencies upang masugpo ang human trafficking habang tutulungan nila ang mga Pilipina para sa mga kinakailangan na ‘legal and consular assistance’ habang nananatili sa Cambodia. – AL

Related Articles