IBCTV13
www.ibctv13.com

13 Pinay surrogates na nahuli sa Cambodia, balik-bansa na – DFA

Ivy Padilla
218
Views

[post_view_count]

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakauwi na ng Pilipinas ang 13 Filipina surrogates na nasangkot sa human trafficking sa Cambodia ngayong Linggo, Disyembre 29.

Ito ay matapos gawaran ng ‘royal pardon’ ni Cambodia King, His Majesty Preah Bat Samdech Preah Boromneath Norodom Silhamoni ang mga nahuling Pinay nitong Disyembre 26. 

“Upon the request of the Philippine Embassy and with the endorsement of the Royal Government of Cambodia, the Royal Decree pardoning all 13 Filipinos paved the way for their release and immediate repatriation,” pahayag ng DFA. 

Nagpaabot na ng pasasalamat ang pambansang pamahalaan sa Royal Government ng Cambodia para ‘humanitarian treatment’ na ibinigay sa mga Pinay habang isinasagawa ang imbestigasyon at judicial process ng kanilang kaso. 

Binigyang-diin ng DFA na patunay lamang ang pagbabalik-bansa ng 13 Pilipina sa matatag na pagkakaibigan ng Pilipinas at Cambodia, gayundin sa parehong pagsisikap nitong labanan ang human trafficking at iba pang transnational crime.

Nagpaalala rin ang kagawaran sa mga Pilipino na huwag nang tangkaing makisangkot sa human trafficking dahil ito ay ipinagbabawal at may karampatang parusa.

Matatandaang nakulong sa isang medical facility ang mga nasabing surrogate mother matapos silang sagipin ng Cambodian National Police sa Kandal Province noong Setyembre 23. 

Pinatawan sila ng parusang pagkakakulong ng dalawang taon dahil sa paglabag sa surrogacy ban. 

Related Articles