Patay ang 15-anyos na babae mula sa Oslob, Cebu ilang araw matapos pagsamantalahan ng 13 kalalakihan nitong Disyembre 9, kasabay ng pagdalo ng biktima sa Oslob Grand Fiesta Celebration.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nagtungo ang biktima na kinilala bilang si ‘Analyn’ kasama ang kanyang ina sa pulisya noong Disyembre 12, tatlong araw mula nang maganap ang krimen.
“According to the victim, on the evening of December 9, 2024, while seated at the Cuartel Heritage Park in Barangay Poblacion, Oslob during the Oslob Grand Fiesta Celebration, she was approached by an unidentified group of men who offered her a drink, leading to her intoxication,” ulat ng CIDG.
“They allegedly took advantage of her inebriated state, brought her to a secluded area, and thirteen men sexually assaulted her…Tragically, Analyn passed away a few days after the incident,” dagdag ng kapulisan.
Sa ngayon, apat (4) sa 13 suspek na ang nasa kustodiya ng pulisya na kinilalang sina “Luis,” “Cyrill,” “Tristan,” at “Kent” na naaresto mula sa Baragang Casay sa munisipalidad ng Dalaguete, Cebu.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong statutory rape at homicide.
Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng awtoridad kung may criminal record ang mga nasabing suspek.
Inaalam na rin kung mayroong posibilidad na makapagpaliwanag ang kasintahan ng biktima kaugnay sa paalam ni Analyn na ito ang makakasama sa pista. Kung sakali mang mapatunayan na may kaugnayan ito sa krimen, mananagot din ito sa batas.
Sa ngayon ay hinihintay pa ang autopsy result ng biktima. – AL