IBCTV13
www.ibctv13.com

180 dayuhang pugante, naaresto ng BI noong 2024

Divine Paguntalan
61
Views

[post_view_count]

Foreign fugitive captured by the Bureau of Immigration (BI). (Photo from BI)

Iniulat ni Bureau of Immigration (BI) na may kabuuang 180 dayuhang pugante sa iba’t ibang kaso ang naaresto noong 2024.

Sa ulat ni Immigration Commissioner Joel Viado, kabilang sa mga naaresto ang 74 Korean nationals, 62 Chinese nationals, 12 Taiwanese, 11 Japanese, pitong (7) Americans, at tig-dalawang (2) Italians at Australians.

Tagumpay din na naaresto ang isang Briton, Canadian, German, Indian, Indonesian, Jordanian, Kyrgyzstani, Liberian, Nigerian at Serbian.

Ang mga kaso na kinakaharap ng mga pugante sa kani-kanilang bansa ay economic crimes, investment scams, illegal gambling, money laundering, telecommunications fraud, robbery, at narcotics trading.

“As we have repeatedly declared, the Philippines is off limits to all foreign fugitives. This country is not a sanctuary for alien criminals. The order of the President is clear–protect our nation from external threats,” saad ni Viado.

Ilan din sa kinikilala bilang high profile fugitives ang naaresto sa bansa na kinabibilangan nina Australian gregor Johann Haas at Serbian Predrag Mirkovic dahil sa illegal drugs habang ang Indian-Nepalese na si Joginder Geong naman ay dahil sa murder, extortion at robbery.

Ibinahagi ng BI-Fugitive Search Unit (FSU) na halos lahat ng mga kriminal na ito ay napaalis na ng bansa at nakakulong na sa kani-kanilang sariling bansa. – VC