IBCTV13
www.ibctv13.com

1st, 2nd District ng Quezon Province, isinailalim na sa state of calamity

Divine Paguntalan
171
Views

[post_view_count]

Severe flood caused by Tropical Cyclone Aghon in Quezon Province (Quezon PIO/Facebook)

Isinailalim na sa state of calamity ang 1st at 2nd district ng lalawigan ng Quezon matapos itong aprubahan sa pulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) dahil sa pinsalang idinulot ng nagdaang bagyong Aghon sa lugar nitong mga nakaraang araw.

Sakop ng first district ang Tayabas City, Pagbilao, Lucban, Sampaloc, Mauban, Real, Infanta, General Nakar, Polillo, Panukulan, Burdeos, Patnanungan, at Jomalig habang sa second district naman ay ang Lucena City, Candelaria, Dolores, San Antonio, Sariaya at Tiaong. -AL