Nananatiling pasok sa forecast rage ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang naitalang 2.5% na inflation rate ng bansa para sa buwan ng Nobyembre 2024.
Naglalaro sa 2.2% hanggang 3.0% ang pagtataya ng BSP.
Inaasahang mananatili ang lagay nito sa ibabang bahagi ng target range sa mga susunod na buwan.
Bagama’t may mga “potential factor” na maaaring magpabilis sa antas ng inflation sa taong 2024 at 2025 tulad ng pagbabago sa singil sa kuryente at mas mataas na minimum na sahod sa labas ng Metro Manila, maaaring magpabagal ang mas mababang taripa sa inaangkat na bigas.
Isasaalang-alang ng Monetary Board ang pinakabagong datos sa inflation sa kanilang nalalapit na monetary policy meeting sa Disyembre 19 upang matiyak ang katatagan ng presyo ng mga bilihin at masuportahan ang patuloy na paglago ng ekonomiya tungo sa mas maluwag na monetary policy. – VC