IBCTV13
www.ibctv13.com

2 bagong kaso ng Mpox, naitala sa QC; kabuuang kaso, umakyat sa 3

Ivy Padilla
359
Views

[post_view_count]

Visual example of monkeypox (mpox) rash. (Photo by WHO)

Muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa publiko na mag-ingat matapos maitala ang dalawang bagong kaso ng Mpox sa lungsod.

Batay sa ulat ng City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD), kapwa lalaki ang mga bagong kaso na nasa edad 29 (second case) at 36 (third case) taong gulang.

Unang tinamaan ng lagnat si Case no. 2 noong Agosto 21 na nagpasuri noong Agosto 28 at nakumpirmang positibo pagsapit ng Agosto 30.

Samantala, nilagnat naman si Case no. 3 noong Agosto 26 at tinubuan ng rashes kinabukasan, Agosto 27.

Agad dinala ang kanyang specimen sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nagpositibo nito lamang Setyembre 5.

Kapwa nakasailalim sa ‘home isolation’ at tumatanggap ng kinakailangang atensyong medikal ang dalawang kaso.

“Hindi biro ang mpox. Malala ang epekto nito, lalo na sa mga taong mahina ang immune system kaya napakahalaga na tayo mismo ay mag-ingat para hindi makakuha ng virus, at hindi tayo makahawa pa,” paalala ni QC Mayor Joy Belmonte.

Patuloy na hinihikayat ni Mayor Belmonte ang publiko na magpunta agad sa pinakamalapit na health center o ospital kung may nararamdamang sintomas ng Mpox.

“Hindi namin kayo papabayaan at handang tumulong ang lokal na pamahalaan para sa inyong mabilis na pagpapagaling,” pagtitiyak ng alkalde.

Sa kabuuan, umakyat na sa tatlo ang kaso ng Mpox sa lungsod matapos maitala ang kauna-unahang kaso dalawang linggo na ang nakalilipas.

Related Articles

National

Ivy Padilla

51
Views

National

Ivy Padilla

68
Views