IBCTV13
www.ibctv13.com

2 bagyo sa loob ng PAR, asahan ngayong Martes

Divine Paguntalan
979
Views

[post_view_count]

Satellite image of Tropical Depression Gener and Tropical Storm Pulasan as of 8:00 a.m. (Photo by PAGASA)

Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang Tropical Storm Pulasan, na papangalanan bilang bagyong Helen, ngayong Martes, Setyembre 17.

Bukod dito ay posible namang itaas sa tropical storm category ang bagyong Gener na nauna nang nag-landfall sa Palanan, Isabela bandang 11:00 p.m. nitong Lunes, Setyembre 16.

Dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulang dala ng bagyong Gener, itinaas na sa ilang bahagi ng Luzon ang Tropical Cyclone Signal No. 1.

Batay naman sa datos ng weather bureau, inaasahang lalabas sa PAR ang bagyong Gener gayundin ang TS Pulasan (bagyong Helen) sa Miyerkules. Setyembre 18.

“Pulasan is expected to enter the country just like Tropical Storm Ferdie, where it briefly entered PAR,” ulat ng PAGASA.

Bagaman hindi direktang makakaapekto ang TS Pulasan sa bansa, palalakasin nito ang Habagat na siyang magpapaulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. – AL