
Dalawang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Miyerkules, Mayo 7.
As of 3:00 a.m., namataan ang LPA 5a sa layong 425 km kanluran ng Iba, Zambales na inaasahang lalabas ng PAR ngayong araw.
Samantala, huli namang namataan ang LPA 5b sa katubigang bahagi ng Kalibo, Aklan na nakikitang malulusaw bukas ng tanghali o hapon.
Ayon sa PAGASA, hindi inaasahang magiging ganap na bagyo ang dalawang sama ng panahon kung saan wala ring nakikitang panibagong LPA sa loob at labas ng PAR hanggang sa susunod na linggo.
Hinihikayat ang publiko na maging maalam sa lagay ng panahon. – AL