
Dalawang low pressure areas (LPAs) ang posibleng mabuo sa silangan at kanlurang bahagi ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 2, ngunit parehong mababa ang tyansa na maging ganap na bagyo.
Samantala, wala namang inaasahang sama ng panahon sa loob ng PAGASA Monitoring Domain ngayong linggo, Oktubre 20 hanggang 26, kasunod ng paglabas ng dating Tropical Storm Ramil (Fengshen) sa PAR, batay sa pinakahuling Tropical Cyclone Threat Potential Forecast ng PAGASA.
Pinapaalalahanan naman ang publiko at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices (LDRRMOs) na manatiling nakaantabay sa mga susunod na update, dahil maaari pang magbago ang forecast anumang oras