
Dalawang maswerteng mananaya ang mag-uuwi ng tumataginting na P33,350,760.40 jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Miyerkules, Enero 21.
Parehong nahulaan ng lucky bettors ang winning combinations na 28 – 12 – 2 – 15 – 23 – 13.
Samantala, bigo namang makuha ang P33,193,409.20 jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 na may winning digits na 34 – 28 – 48 – 25 – 55 – 3.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206.











