IBCTV13
www.ibctv13.com

2 patay sa pananalasa ng bagyong Enteng – NDRRMC

Alyssa Luciano
377
Views

[post_view_count]

Satellite image of typhoon Enteng as it brings continuous rain all over the Philippines. (Photo by PAGASA)

Dalawa ang kumpirmadong nasawi habang 10 naman ang sugatan mula sa pananalasa ng bagyong Enteng na mas pinalakas pa ng hanging Habagat ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Batay sa ulat ng NDRRMC as of 8:00 a.m. ngayong Lunes, Setyembre 2, patuloy ang ginagawang validation sa mga nasawing biktima maging ang sugatang residente mula sa Region 7.

As of 11:00 a.m. itinaas na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Tropical Cyclone Signal Warning (TCWS) No. 2 ang ilang bahagi ng Pilipinas kabilang ang mga sumusunod:

– Hilagang silangang bahagi ng Camarines Norte (Vinzons, San Lorenzo Ruiz, Talisay, Daet, Labo, Paracale, Jose Panganiban, San Vicente, Basud, Mercedes, Santa Elena, Capalonga)
– Hilagang silangang bahagi ng Camarines Sur (Garchitorena, Caramoan, Presentacion, San Jose, Lagonoy, Tinambac, Siruma, Goa)
– Cagayan (Pe, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Santa Ana, Lasam, Santo Nino, Alcala, Amulung, Solana, Iguig, Tuguegarao City, Enrile, Aparri, Ballesteros, Camalaniugan, Allacapan, Piat, Tuao, Rizal, Abulug, Pamplona) including Babuyan Islands
– Silangang bahagi ng Isabela (Santa Maria, Santo Tomas, Cabagan, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Burgos, Luna, Reina Mercedes, City of Cauayan, Alicia, Echague, Jones, San Agustin, Angadanan, San Guillermo, San Pablo, Maconacon, Tumauini, Ilagan City, Palanan, Divilacan, San Mariano, Naguilian, Benito Soliven, Dinapigue, Cabatuan, Aurora, San Manuel, Mallig, Quezon, Roxas)
– Hilagang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dilasag, Dinalungan)
– Polillo Islands
– Silangang bahagi ng Quirino (Maddela)
– Hilagang bahagi ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol, Calanasan)
– Silangang bahagi ng Kalinga (Rizal)

Nakailalim naman sa TCWS No. 1 ang ilang bahagi ng Luzon:

– Batanes
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– Silangang bahagi ng Pangasinan (Rosales, Asingan, Binalonan, Sison, San Manuel, Santa Maria, Balungao, San Quintin, Tayug, Umingan, Natividad, San Nicolas)
– Abra
– Iba pang bahagi ng Apayao
– Iba pang bahagi ng Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Iba pang bahagi ng Isabela
– Iba pang bahagi ng Quirino
– Nueva Vizcaya
– Iba pang bahagi ng Aurora
– Nueva Ecija
– Silangang bahagi ng Pampanga (Candaba)
– Silangang bahagi ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, City of San Jose del Monte, Obando, City of Meycauayan, Bocaue, Balagtas, Bustos, Baliuag, Pandi, Santa Maria, Marilao, Angat, San Rafael, San Ildefonso, San Miguel)
– Metro Manila
– Rizal
– Laguna
– Silangang bahagi ng Batangas (San Juan)
– Iba pang bahagi ng Quezon, Marinduque
– Iba pang bahagi ng Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– Catanduanes
– Hilagang bahagi ng Masbate (City of Masbate, Aroroy, Baleno) incuding Ticao and Burias Islands

Nagdeklara na ang Malacañang ng suspensyon ng klase sa paaralan at pasok sa mga opisina ng pamahalaan sa National Capital Region as of 8:00 a.m. bunsod ng tuluy-tuloy na pag-ulan dala ng bagyong Enteng.

Huling namataan ang bagyo sa layong 100 kilometro mula sa North Northwest ng Daet, Camarines Norte taglay ang lakas ng hangin na aabot ng 75 km/h at pagbugsong pumapalo ng 90 km/h. -VC

Related Articles