Muling binomba ng China ang dalawang barko ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc ngayong Miyerkules, Disyembre 4, ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela.
Marahas na binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) 3302 ang BRPP Datu Pagbuaya habang hinarang naman ng People’s Liberation Army (PLA) Navy vessels ang BRP Teresa Magbanua.
“At around 6:30 am, CCG 3302 fired a water cannon at the BRP Datu Pagbuaya (MMOV 3003), aiming directly at the vessel’s navigational antennas while it was located 16 nautical miles south of Bajo de Masinloc,” paliwanag ni Tarriela.
“Following this hostile action, CCG 3302 intentionally sideswiped the BRP Datu Pagbuaya on its starboard side. Shortly thereafter, at 6:55 am, CCG 3302 launched a second water cannon attack on the same vessel,” dagdag pa niya.
Sa kabila ng mga pangha-harass ng China sa hukbong pandagat ng Pilipinas, nananatili ang tungkulin nila na protektahan at ipagtanggol ang karapatan ng mga mangingisda sa nasasakupan ng bansa.
“We will continue to be vigilant in safeguarding our national interests in the West Philippine Sea,” pagtitiyak ng spokesperson. – AL