IBCTV13
www.ibctv13.com

2 suspected mpox case sa Soccsksargen, binabantayan – DOH-12

Divine Paguntalan
776
Views

[post_view_count]

Visual example of monkeypox (mpox) rash. (Photo by Center for Disease Control and Prevention)

Nag-abiso sa publiko ang Department of Health – Soccsksargen (DOH-12) kaugnay sa posibleng dalawang kaso ng monkeypox (mpox) sa rehiyon matapos makitaan ng sintomas ng sakit.

Ayon sa DOH-12 Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), hinihintay pa ang kumpirmasyon ng laboratory tests ng dalawang pasyente kung ito ay dahil sa mpox.

Gayunpaman, tiniyak ng ahensya na mahigpit ang kanilang monitoring sa mga pasyente kasabay ng pangangalap ng datos sa kanilang travel history at iba pang mga nakasalamuha.

“We have activated the surveillance unit and identified their close contacts, who are now under quarantine,” pahayag ni DOH-12 RESU Chief Dr. Dyan Zubelle Parayao.

Muling nagpaalala ang kagawaran sa mga Pilipino na ugaliin ang paghuhugas ng kamay at iwasan ang pagkakaroon ng close contact sa mga indibidwal na may sintomas ng mpox.

Sakali naman na makaramdam ng lagnat, rashes, pananakit ng ulo, pananakit ng lalamunan at pamamaga ng lymph nodes, agad itong ipagbigay-alam sa local health units.

Pumalo na sa walong indibidwal ang kumpirmadong active case ng mpox sa bansa nitong Setyembre 1. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

57
Views

National

Ivy Padilla

111
Views

National

Ivy Padilla

92
Views