Umakyat na sa 20 katao ang nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon, bagyong Ferdie at bagyong Gener sa bansa, batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules, Setyembre 18.
Siyam rito ay mula sa MIMAROPA, tig-apat sa Western Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), dalawa sa Zamboanga Peninsula at isa sa Central Visayas.
Kasalukuyan rin ang ginagawang ‘validation’ sa 14 pa na indibidwal na napaulat na nawawala kung saan 12 ay mula sa MIMAROPA habang tig-isa naman sa Regions 6 at 9.
Sa kabuuan, nasa 16,926 pamilya o katumbas ng 62,995 katao ang namamalagi sa 618 evacuation centers habang 8,592 pamilya o 34,265 katao naman sa labas ng mga center ang binibigyan ng tulong. -VC