IBCTV13
www.ibctv13.com

2,000 katao, pinangangambahang nalibing nang buhay sa pagguho ng lupa sa Papua New Guinea

Michael Peronce
133
Views

[post_view_count]

This undated handout photo taken by the UN Development Programme and released on May 28, 2024 shows locals digging at the site of a landslide at Mulitaka village in the region of Maip Mulitaka, in Papua New Guinea’s Enga Province. (Photo from VOA)

Iniulat ng Papua New Guinea National Disaster Center na umabot sa higit 2,000 katao ang posibleng nabagsakan ng lupa matapos ang biglaang pagguho ng isang bahagi ng bundok madaling araw ng Biyernes, Mayo 24, kung saan natutulog pa ang karamihan sa mga mamamayan ng komunidad sa Yambali sa Enga Province.

Batay sa tala ng awtoridad, anim na katawan pa lamang ng mga nasawi ang narerekober dito mula sa 4,000 na nakatira sa lugar na pinangyarihan ng insidente na malapit pa sa isang kilalang minahan. 

Naghatid na ng tulong ang Australia na naghatid ng aabot sa $1.66 milyong halaga ng ayuda at pagpapadala ng mga eksperto sa pag-rescue ng mga biktima habang nangako naman ang China na magbibigay ng tulong sa pagtugon sa nangyaring trahedya at maging sa pagsasaayos ng mga nasirang establisyimento sa lugar. –AL

 

 

Related Articles