Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang General Appropriations Bill (GAB) o ang panukalang budget ng Pilipinas para sa taong 2025 ngayong darating na Disyembre 30, kasunod ng ilang mga aktibidad para sa Rizal Day.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez, + dadalo muna si Pangulong Marcos Jr. sa mga aktibidad sa Luneta para sa paggunita ng araw ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal, bago dumiretso sa Palasyo para pirmahan ang panukalang budget.
Nauna nang tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. na malalagdaan ang GAB bago matapos ang taon.
Matatandaang nakatakda na dapat lagdaan ng Pangulo ang panukalang budget ng bansa na nagkakahalaga ng P6.352 trillion nitong Disyembre 19, ngunit kinailangan itong ipagpaliban para sa ‘extensive review’ ng mga probisyon nito.
Ilang araw ring pinulong ng punong ehekutibo ang mga economic manager upang mapagdiskusyunan ang National Budget at matukoy kung ano ang mga programa o proyekto na kinakailangan lagyan o alisan ng budget. – AL