IBCTV13
www.ibctv13.com

2027 National Expenditure Program, aprubado na ng Gabinete

181
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. presided over a special meeting with the Cabinet members on March 3, 2026. (File photo from PCO)

Inaprubahan na ng Gabinete ang proposed 2027 National Expenditure Program (NEP) na ipinresinta ng Department of Budget and Management (DBM) sa pulong na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang ngayong araw, Hulyo 10.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez, tinalakay at inaprubahan ng Gabinete ang panukalang pondo, ngunit ang kabuuang halaga at iba pang detalye nito ay ilalabas lamang sa oras na pormal na isumite ng Pangulo ang budget proposal sa Kongreso. 

“The Cabinet discussed and approved the 2027 National Expenditure Program as presented by the DBM. On the total amount and other details, we do not want to pre-empt the President’s budget submission to Congress,” ani Gomez. 

Ang NEP ay ang opisyal na proposed national budget ng pamahalaan para sa susunod na fiscal year.

Ito ang nagsisilbing batayan ng Kongreso sa pagbuo ng General Appropriations Bill, na magiging General Appropriations Act (GAA) sa oras na lagdaan ng Pangulo.

Nakapaloob sa NEP ang mga planong gastusin ng pamahalaan para sa susunod na taon, kabilang ang pondong ilalaan sa iba’t ibang programa at inisyatiba ng gobyerno. 

Batay sa National Budget Memorandum No. 158 na inilabas ng DBM noong Hunyo 25, target ng administrasyon ang kabuuang P7.2-trilyong pambansang pondo para sa 2027. 

Katumbas ito ng 21.7% ng gross domestic product (GDP) ng bansa, at mas mataas ng 6% o P407 bilyon kumpara sa P6.793-T national budget ngayong 2026. – VC