IBCTV13
www.ibctv13.com

24 katao, patay sa pinagsamang lakas ng Habagat, bagyong Ferdie, Gener at Helen – NDRRMC

Ivy Padilla
276
Views

[post_view_count]

Residents near the river in Rizal, Occidental Mindoro were forced to evacuate due to the effects of Tropical Storm Ferdie. (Photo by PDRRMO Samarica Sub-Office/Facebook)

Pumalo na sa 24 katao ang nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon, bagyong Ferdie, bagyong Gener at bagyong Helen sa bansa, batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Setyembre 20.

Siyam dito ay mula sa MIMAROPA; lima sa Western Visayas; tig-apat sa Zamboanga Peninsula at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM); at dalawa sa Central Visayas.

Patuloy din ang paghahanap sa nawawalang 12 indibidwal sa MIMAROPA at dalawa sa Zamboanga Peninsula.

Sa kabuuan, umabot na sa 356,578 pamilya o katumbas ng 1,303,677 katao ang apektado ng mga nagdaang bagyo at habagat sa bansa.

Kaugnay nito, naitala rin ng Department of Agriculture (DA) ang kabuuang P600.83-milyong danyos sa sektor ng agrikultura dahil sa pananalasa ng Habagat at Bagyong Ferdie.

Naapektuhan nito ang 11,170 mga magsasaka matapos masira ang nasa 27,427 metric tons ng ani sa 11,696 ektaryang sakahan. -VC

Related Articles