IBCTV13
www.ibctv13.com

24 na Pilipinong na-detain sa Russia, ligtas nang nakauwi sa bansa

66
Views

[post_view_count]

Batch 1 of repatriated Filipino workers from Russia safely landed at NAIA Terminal 1. (Photo by DFA)

Matapos ang halos siyam na buwan, ligtas nang nakauwi sa Pilipinas ang 24 na Pilipinong na-detain sa lungsod ng Irkutsk sa timog-silangang Siberia ng Russia ngayong Linggo, Hunyo 21.

Kasunod ito ng personal na pakikipag-usap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Russian President Vladimir Putin tungkol sa kanilang sitwasyon sa isang bilateral meeting sa sidelines ng ASEAN-Russia Commemorative Summit sa Kazan kamakailan.

Unang dumating ang anim na Pinoy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sakay ng Philippine Airlines Flight PR737 nitong hatinggabi, at sinundan ng natitirang 18 sakay ng PAL Flight PR733 kaninang madaling araw.

Personal silang sinalubong nina Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro at Migrant Workers Secretary Hans Cacdac ang mga umuwing Pilipino hatid ang iba’t ibang tulong mula sa pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, na-detain ang mga Pilipino nang walang pormal na kaso kung saan maaaring naging biktima umano ang mga ito ng illegal recruitment scheme at dinakip dahil sa posibleng paglabag sa mga patakaran sa immigration.

Nagpaabot na ng lubos na pasasalamat si Pangulong Marcos Jr. kay President Putin at sa pamahalaan ng Russia para sa mabilis na pagtugon sa naturang isyu.