IBCTV13
www.ibctv13.com

25 taong renewal para sa prangkisa ng IBC-13, nilagdaan na ni PBBM

Hecyl Brojan
108
Views

[post_view_count]

Photo from Presidential Communications Office (PCO) and Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13)

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) No. 12311 na muling nagbibigay ng 25 taong prangkisa para sa state-owned media network na Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13).

Sa ilalim ng bagong batas, pinapayagan ang IBC-13 na magtayo at magpatakbo ng mga TV at radio station sa iba’t ibang panig ng bansa para sa pampublikong serbisyo at komersyal nang may kaukulang permit mula sa National Telecommunications Commission (NTC).

Nakasaad din sa batas na dapat maglaan ang IBC-13 ng libreng airtime para sa public service announcements, lalo na sa panahon ng kalamidad at emerhensiya.

Binibigyan din ng karapatan ang Pangulo na pansamantalang gamitin o suspendihin ang operasyon ng network sa oras ng krisis o kung may banta sa seguridad.

Bukod dito ay obligado rin ang IBC-13 na magsumite ng taunang ulat sa Kongreso ukol sa operasyon at pagsunod nito sa mga kondisyon ng prangkisa.

Ang batas ay epektibo 15 araw matapos mailathala sa Official Gazette o sa isang pahayagang may malawak na sirkulasyon. –AL