IBCTV13
www.ibctv13.com

3 bagong kaso ng mpox, naitala; kabuuang ‘active cases’, umakyat sa 18 – DOH

Patricia Lopez
309
Views

[post_view_count]

(Photo by DOH; WHO)

Tatlong lalaki ang nadagdag ngayon sa mga aktibong kaso ng monkeypox (mpox) sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes, Setyembre 16, kung kaya pumalo na sa 18 ang kabuuang bilang ng active case ng sakit para sa taong ito.

Clade II variant ng mpox ang nakuha ng tatlong indibidwal at kapwa nagkaroon din sila ng kanya-kanyang close intimate contact.

Kasaluluyan naman nang nasa ilalim ng home isolation ang mga bagong kaso ng mpox.

“Ang maganda rito, lahat ng 18 walang nahawa na iba kasi binantayan natin contacts nila…wala silang tinatawag na epidemiology link. Ibig sabihin non, pag na-isolate namin sila, humihinto ‘yung pag transmit ng sakit,” pahayag ni Health Secretary Ted Herbosa.

Tiniyak din ng kalihim na nananatiling kontrolado ng ahensya ang sakit dahil mula sa 18 mpox cases sa bansa ngayong taon ay lima na ang ‘fully recovered’.

Kasabay nito, nakapila na rin ang Pilipinas para makakuha ng bakuna laban sa sakit na ito, kung saan 2,500 doses ang target ma-procure para sa bansa.

“Hopefully, ma-acquire natin ito in the next few months however, hindi tayo priority…bubuhos lahat muna ang bakuna kung saan may epidemic sa Africa…kahit hindi pa dumating ang bakuna na ‘yan, kayang kaya natin makontrol ang pagkalat ng mpox,” dagdag ni Secretary Herbosa.

Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na panatilihin ang proper hygiene at agad na magpatingin sa doktor kung sakaling makaranas ng mga sintomas ng mpox. – DP/AL