IBCTV13
www.ibctv13.com

3 katao patay, 7 nawawala sa paglubog ng dalawang motorbanca sa Antique

Ivy Padilla
257
Views

[post_view_count]

Philippine Coast Guard personnel as they continue the joint search and rescue operation for the seven missing individuals of two capsized motorbancas in Antique. (Photo by Philippine Coast Guard)

Tatlong katao ang kumpirmadong nasawi habang pitong indibidwal ang nawawala matapos lumubog ang MBCA Ure Mae at isang hindi pa nakikilalang motorbanca sa Caluya Island sa Antique nitong Lunes, Agosto 26.

Batay sa imbestigasyon, naglayag mula Boracay Island patungong Caluya Island ang dalawang motorbanca bandang alas-4 ng umaga.

Matapos ang tatlong oras na paglalayag ay nakasagupa nito ang malalaki at malalakas na alon na naging dahilan ng paglubog nito sakay ang kabuuang 20 pasahero, kasama ang dalawang kapitan ng bangka.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), dalawa sa 10 indibidwal na nakaligtas ang lumangoy sa pinakamalapit na dalampisigan sa San Jose, Romblon upang humingi ng tulong.

Narito ang mga pangalan ng mga indibidwal na ligtas, nawawala at pumanaw batay sa ulat ng PCG:

Rescued / Survivors:
1. Junald Patricio – boat captain of MBCA Ure Mae
2. Garry Patricio
3. Arnold Terilijos
4. Alvin Salodes – boat captain of the unnamed motorbanca
5. Rhea De Vera
6. Jarenz Bernal
7. Joseph Tereliyos
8. Frederick Lompero
9. Luisa Ojana
10. Arnel Belleca

Missing:
1. Christian Aguilar
2. Vic Florendo
3. Roel Delloro
4. Joseph Delloro
5. Frankie Gajero
6. Rosauro Delloro
7. Zaldy Pacis

Deceased:
1. Christopher Gajero
2. Marlon Belleca
3. Mark Delloro

Nananawagan ngayon ang PCG sa mga mangingisda at residente malapit sa pinangyarihan ng insidente na ipagbigay-alam sa awtoridad kung sakaling makita nila ang mga nawawalang indibidwal.

Related Articles