IBCTV13
www.ibctv13.com

3 weather systems, patuloy na magpapaulan sa bansa – PAGASA

Ivy Padilla
955
Views

[post_view_count]

Photo by Jomari Atara, IBC 13

Patuloy na magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ang tatlong weather systems ngayong Linggo, Disyembre 29, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). 

Kabilang na rito ang Northeast Monsoon o Amihan na magdudulot ng maulap na papawirin na may kasamang mahihinang pag-ulan sa Northern Luzon, partikular sa Cagayan Valley Region at bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR). 

Asahan din ang maulap na kalangitan at ilang malalakas na pag-ulan sa CALABARZON, Aurora, ilang bahagi ng Bicol Region, kasama na ang Metro Manila dahil pa rin sa Shearline o banggaan ng malamig at mainit na hangin.

Samantala, nakakaapekto naman ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Palawan, silangang bahagi ng Visayas at malaking bahagi ng Mindanao.

Pinag-iingat ang mga apektadong lugar sa posibleng banta ng pagbaha at pagguho ng lupa. 

As of 4:00 a.m., walang namamataang low pressure area (LPA) o bagyo sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). 

Gayunpaman, patuloy hinihikayat ang publiko na maging handa sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon. 

Related Articles

National

Kristel Isidro

306
Views

National

Kristel Isidro

565
Views

National

Raymond Carl Dela Cruz, Philippine News Agency

523
Views