
Mas maraming Pilipino ang sumusuporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaysa sa kampo ng mga Duterte at iba pang oposisyon, batay sa resulta ng Tugon ng Masa (TNM) Pre-Election Survey ng OCTA Research.
36% ang itinuturing ang kanilang sarili bilang “pro-Marcos”, 18% ang “pro-Duterte” habang 8% naman ang sumusuporta sa iba pang oposisyon.
Samantala, 26% ng mga Pinoy ang walang pinapanigang oposisyon habang 12% naman ang walang ibinigay na sagot.
Kabilang mga sa mga tagasuporta ni Pangulong Marcos Jr. ay mula sa Cordillera Administrative Region (50%), Ilocos Region (71%), Cagayan Valley (68%), Mimaropa (57%), Bicol Region (78%), Eastern Visayas (51%), at Negros Island Region (52%)
Isinagawa ang naturang pag-aaral mula Enero 25 hanggang 31 saklaw ang 1,200 mga respondente.- IP