IBCTV13
www.ibctv13.com

39% ng mga Pinoy, gumanda ang kalidad ng pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan – survey

Ivy Padilla
664
Views

[post_view_count]

Photo by Krizel Insigne, IBC 13

Lumabas sa pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS) na 39% ng mga Pilipino ang naniniwalang gumanda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan.

23% naman ang nagsabing hindi bumuti ang kanilang pamumuhay habang 37% ang naniniwalang wala itong pinagbago.

Dahil dito, tumaas sa +15 ang net gainers score ngayong June 2024 na maituturing na “very high”

Ito ay 10-point na mataas sa March 2024 survey kung saan lumapag lamang sa +5 ang rating na maituturing na “fair”.

Naitala sa Balance Luzon ang highest net gainer score na “excellent” +26, sinundan ng Metro Manila na may “very high” +16, Mindanao na may “high”+7 at Visayas na may “high” +1.

“The 10-point rise in the nationwide Net Gainer score between March 2024 and June 2024 was due to increases in all areas, especially in Mindanao,” saad ng SWS.

Isinagawa ang naturang survey mula June 23-July 1, 2024 saklaw ang kabuuang 1,500 respondente mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. -VC

Related Articles