Napabilang ang apat (4) na naggagandahang isla ng Pilipinas sa Asia’s top 10 islands ng 2024 Condé Nast Traveler’s (CNT) Readers’ Choice Awards.
Sa inilabas na resulta ng luxury travel magazine’s readers nitong Oktubre 1, lumapag sa ikatlong pwesto ang Boracay Island na may score na 91.94.
Hindi rin nalalayo sa ranking ang Palawan na nasa ikaanim na pwesto (90.68); Cebu & the Visayan Island sa ikawalo (90.29); at Siargao Island na nasa ika-sampu. (89.2).
Sa isang pahayag ngayong Miyerkules, Oktubre 9, nagpasalamat si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco sa mga dayuhang bisita na patuloy tumatangkilik sa mga ipinagmamalaking destinasyon ng bansa.
“These accolades reflect not only the unparalleled beauty of our islands but also the rich, diverse experiences they offer, from our confluence of cultural influences to our world-class culinary heritage,” mensahe ni Sec. Frasco.
Hinikayat din ng kalihim ang bawat manlalakbay at bisita na sanayin ang ‘responsible tourism’ upang matulungan ang bansa na mapangalagaan ang ganda ng mga dinadayong tourist spot.
“We invite all travelers to join us in safeguarding these islands through responsible tourism practices, from reducing waste to respecting our ecosystems. By doing so, we can ensure that these pristine destinations remain protected for future generations to enjoy,” panawagan ni Frasco. -VC