IBCTV13
www.ibctv13.com

5 infra projects ng DOTr, tulay tungo sa mas malagong Pilipinas – PBBM

Ivy Padilla
150
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. delivered his message during the signing of contracts for key regional transport projects by the Department of Transportation (DOTr) on December 18. (Photo by PCO)

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magdudulot ng malaking pagbabago sa Pilipinas ang limang bagong infrastructure projects ng Department of Transportation (DOTr) na nakatakdang itayo sa Cebu, Bohol, Dumaguete at Siargao.

“Let us remember: These projects are not just structures, they are representative of every Filipino’s dream of more comfortable travel, better opportunities, and a clearer path towards their goals and dreams,” saad ng Pangulo sa ginanap na ceremonial signing sa Malacañang ngayong Miyerkules, Disyembre 18.

Kabilang na rito ang P17-bilyong halaga na New Cebu International Container Port (NCICP) na inaasahang magpapaluwag sa sitwasyon sa Cebu Base Port.

“Once completed, this will not only make goods more affordable but will also generate thousands of jobs for our people. Apart from this, it will also create more opportunities for everyone as it will provide increased space for port activities,” ani Pangulong Marcos Jr.

Sa parehong lugar din itatayo ang modern bus network na Cebu Bus Rapid Transit (CBRT) na layong ikonekta ang mga pangunahing lugar sa Cebu City, gayundin ang mapadali ang pagbiyahe ng mga mamamayan.

Nakatakda ring pagandahin at palawakin ang Bohol-Panglao International Airport sa Bohol sa ilalim ng P4.53 billion na Public-Private Partnership.

“We will expand the BPIA in two phases: By 2026, its capacity will increase from two million to 2.5 million passengers a year. By 2030, we will reach almost four million passengers,” saad ng lider.

Aniya, hindi lang ito magbibigay ng komportableng biyahe para sa mga turista dahil lilikha rin ito ng mas maraming trabaho para sa mga Boholano.

Sa ilalim ng proyektong ito ay inaasahang aabot sa P15 milyon ang ‘annual revenue’ ng paliparan sa unang limang taon na operasyon nito.

Bukod dito, inanunsyo ni Pangulong Marcos Jr. ang pagtatayo sa mga bagong paliparan sa Dumaguete at Siargao na parehong nakikitang magpapabuti sa sistema ng transportasyon sa nasabing mga lalawigan.

“New Dumaguete Airport will create more opportunities for students, for workers, and businesses while the New Siargao Airport will help support tourism and trade,” paliwanag ng lider.

Tiniyak naman nito na maaabot ng mga bagong paliparan ang pandaigdigang pamantayan sa tulong at suporta ng International Finance Corporation (IFC).

“These projects shall allow our farmers to efficiently bring produce to new markets, tourists to discover more of the charms of these islands, and entrepreneurs to expand their businesses,” dagdag pa nito. – AL

Related Articles

National

Divine Paguntalan

1
Views

National

Ivy Padilla

62
Views