IBCTV13
www.ibctv13.com

500 pamilya sa Tondo, Maynila, nakatanggap ng rice assistance mula sa programa ni First Lady Liza

93
Views

[post_view_count]

First Lady Liza Araneta-Marcos led the second day of the “Mula sa Puso Para sa Pamilya” initiative at Masinop Street, District 1 in Tondo, Manila, distributing five kilos of rice to vulnerable families today, June 23. (Photo courtesy of Manila PIO)

Inilunsad ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang “Mula sa Puso Para sa Pamilya” program sa Masinop St. District 1, Tondo, Maynila ngayong Martes, Hunyo 23, kung saan namahagi siya ng tig-10 kilong bigas sa mga miyembro ng vulnerable sector sa komunidad.

Ayon sa Manila Department of Social Welfare (MDSW), umabot sa 500 benepisyaryo ang nakatanggap ng rice assistance, kabilang ang mga persons with disabilities (PWDs), solo parents, at senior citizens.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng First Lady ang kahalagahan para sa mga magulang, lalo na sa mga ina, na matiyak na may nakahaing pagkain sa hapag para sa kanilang pamilya.

“Bilang isang ina, mahalaga sa atin ‘yung may pagkain sa table. Even if we cannot eradicate poverty, at least we hope that this little thing will help you in the days to come,” ani First Lady.

Ayon kay MDSW Director Jay Dela Fuente, malaking tulong ang programa lalo na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Tinawag ni Dela Fuente na “special” ang aktibidad dahil mismong ang First Lady ang personal na nakipag-ugnayan sa mga residente, na nagsisilbing patunay ng direktang pagtulong ng administrasyon sa mga nangangailangang Pilipino.

“First Lady, Ma’am Liza Araneta-Marcos, maraming salamat po. At dito po sa Tondo, ramdam na ramdam namin ang pagtulong ninyo. At sana po bigyan pa kayo ng kalakasan ng katawan para marami pa kayong matulungang mahihirap na Pilipino,” ani Dela Fuente.

Pinasalamatan din ni Dela Fuente si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa patuloy na pagsuporta sa mga Manileño sa tuwing may sakuna at kalamidad.

“Kay PBBM, alam mo, pagka may mga bagyo, may sunog, lagi naming kasama si PBBM. Personal siyang bumababa sa mga nasunugan, mga nasalanta ng bagyo. Nagpapasalamat kami. Maraming-maraming salamat po Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,” dagdag nito.

Magpapatuloy ang pamamahagi ng bigas sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City sa Miyerkules, bago ito bumalik sa Maynila sa Huwebes para sa panibagong yugto ng distribusyon sa Brgy. 377, Sta. Cruz.

Pormal na inilunsad ang programa noong Lunes, kung saan humigit-kumulang 1,200 pamilya ang nakatanggap ng rice assistance sa Brgy. Doña Imelda sa Quezon City. – VC