IBCTV13
www.ibctv13.com

6 bagong kaso ng mpox, naitala; Kabuuang kaso, umakyat sa 14

Divine Paguntalan
800
Views

[post_view_count]

Visual example of monkeypox (mpox) rash. (Photo by Center for Disease Control and Prevention)

Pumalo na sa 14 ang aktibong kaso ng monkeypox (mpox) sa Pilipinas, matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang anim na bagong kaso ngayong Lunes, Setyembre 9.

Ang lahat ng aktibong kaso ay mpox Clade II o mild variant lamang kung saan kaya ito ng home medication.

Nilinaw naman ng kagawaran na inaasahang tataas pa ang bilang ng mpox cases dahil sa mas pinabilis at pinalawak ngayon na testing upang matukoy ang mga posibleng infected ng sakit.

“We anticipate more positive mpox cases, because we are testing as fast and as broad as we can. Increasing case counts does not mean increasing infections,” pahayag ng DOH.

Sa kabila ng mga datos, binigyang-diin ng DOH na hindi kinakailangan ng border control o community quarantine gayundin ang pagsusuot ng face masks at face shield dahil hindi airborne ang mpox.

“With our data, we will not implement any border control or community quarantine (lockdowns). We will not mandate face masks or face shields,” paglilinaw ni Health Secretary Teodoro Herbosa.

“There is no added value to health for a public counting of cases. It only leads to anxiety and mental health problems. Surveillance, case finding, and community engagement is best handled by the DOH and local health authorities,” dagdag niya,

Patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na panatilihin ang hygienic practices lalo na ang paghuhugas ng kamay at iwasan muna ang ‘close and intimate’ contact sa iba’t ibang tao o ang pagkakaroon ng skin-to-skin contact sa mga gamit na nahawakan ng mga pasyenteng may sintomas ng mpox. – VC

Related Articles