IBCTV13
www.ibctv13.com

6 indibidwal sa Mandaue, Cebu, hinihinalang may mpox

Alyssa Luciano
405
Views

[post_view_count]

(Photo by WHO)

Kinumpirma ng City Health Office head ng Mandaue City, Cebu na si Dr. Debra Maria Catulong na nakapagtala ang kanilang tanggapan ng anim na ‘suspected case’ ng monkeypox (mpox) mula sa lungsod.

Ayon kay Catulong, inabisuhan na ang mga ‘suspected case’ na manatili na muna sa bahay kasabay ng pagbibigay sa kanila ng medical at food kit.

Sa kabila nito, isa sa kanila ang lumabas pa rin mula sa kanyang home isolation.

Naihatid na sa Research Institute for Tropical Medicine ng Department of Health (DOH) ang sample mula sa anim na indibidwal para makumpirma ang kanilang sakit.

Muli namang nagpaalala si Catulong sa publiko na manatili na lamang sa loob ng bahay sa loob ng tatlong linggo kung nakararanas ng sintomas ng mpox.

Sa ngayon ay pumalo na sa walo ang kabuuang bilang ng active case ng mpox para sa taong 2024.

Nilinaw din ng DOH na kahit sino ay maaaring tamaan ng naturang sakit na posibleng maipasa sa mga indibidwal na may ‘close and intimate’ contact sa isang taong tinamaan o sa paggamit ng kanilang mga damit o kubyertos. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

57
Views

National

Ivy Padilla

111
Views

National

Ivy Padilla

92
Views