
Makakabili na ng sariling lupang sakahan ang 60-taong-gulang na magsasaka matapos magwagi ng tumataginting na P25 milyong jackpot prize sa Super Lotto 6/49 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Mayo 10, 2026.
Tinamaan nito ang winning combinations na 03-16-11-04-14-38, na mula aniya sa mga kaarawan ng kanyang pamilya.
Kwento ng nanalong magsasaka, mahigit 30 taon na siyang tumataya sa lotto at hindi nawalan ng pag-asa na balang araw ay magbubunga rin ang kanyang tiyaga at suwerte.
“Meron pala talagang nananalo sa Lotto,” masayang pahayag nito nang matanggap ang kanyang premyo.
Bukod sa pagbili ng sariling lupang sakahan, plano rin niyang hatiin ang bahagi ng napanalunang jackpot sa kanyang mga anak.
Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Linggo, Martes at Huwebes, alas-9 ng gabi, at mapapanood nang live sa IBC-13, D8TV, at sa PCSO Games Online Hub Facebook page. – IP











