IBCTV13
www.ibctv13.com

66% ng Pinoy, naniniwalang dapat humarap si VP Sara sa impeachment trial — survey

D.P.
111
Views

[post_view_count]

Filipinos protesting to impeach Vice President Sara Duterte (IBC file photo)

Mas maraming Pilipino ang nanawagan na personal na sagutin ni Vice President Sara Duterte ang mga kinakaharap niyang isyu sa pamamagitan ng impeachment trial.

Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Stratbase Group, 66% sa mga Pilipino ang pabor na dumaan ang Bise Presidente sa pormal na proseso.

Ayon sa mga sumagot sa survey, mas magkakaroon ng pagkakataon si Duterte sa paglilitis na masagot ang mga alegasyon ng korapsyon laban sa kanya.

Ayon kay Stratbase Group President Prof. Dindo Manhit, ipinapakita ng mga resulta ng survey na mas aktibo at mapanuri na ngayon ang publiko.

“This level of awareness reflects a more engaged and vigilant public. Filipinos are watching closely and expect the country’s democratic institutions, particularly the Senate, to act decisively and impartially,” saad ni Manhit.

Isinagawa ang survey mula Hunyo 25 hanggang Hunyo 29, 2025. – VC

Related Articles