IBCTV13
www.ibctv13.com

7 AFP commanders, pinagtibay ang suporta sa Saligang Batas

Hecyl Brojan
75
Views

[post_view_count]

Photo from AFP

Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang dedikasyon sa Saligang Batas at demokratikong institusyon, kasabay ng kanilang paghahanda para sa inaasahang Trillion Peso March sa darating na Nobyembre 30.

Ayon sa AFP, mananatiling propesyunal, disiplinado, at non-partisan ang kanilang hanay, at sisiguruhing mapayapa at naaayon sa batas ang lahat ng pampublikong pagtitipon.

Nagpahayag naman ng suporta ang mga pangunahing combatant commands ng Sandatahang Lakas; WestMinCom, EastMinCom, NCRCom, NolCom, SolCom, WesCom, at VisCom, na iisa ang mensahe na pagtupad sa tungkulin, pagprotekta sa institusyon, at pagrespeto sa karapatang magpahayag.

Photos from WestMinCom, EastMinCom, NCRCom, NolCom, SolCom, WesCom, and VisCom

Sa inilabas na pahayag ni WestMinCom VAdm Alfonso Torres Jr PN, nanindigan ito sa patuloy na pagdepensa sa Konstitusyon ng hanay.

Tiniyak naman ni EastMinCom MGen Adonis Orio PA ang “unwavering commitment to the Constitution and democratic ideals” ng kanyang tropa.

Nanawagan si NCRCom MGen Gregorio Hernandez Jr PN(M) sa publiko na manatiling kalmado habang iginiit ni NolCom LtGen Aristotle Gonzalez PAF na dapat manatiling matibay, nagkakaisa, at propesyunal ang puwersa.

Binigyang-diin din ni SolCom LtGen Cerilo Balaoro Jr PA ang kanilang katapatan sa watawat at Saligang Batas, kasabay ng pagkilala sa karapatan sa mapayapang pagtitipon.

Samantala, kapwa inihayag ni WesCom VAdm Alfonso Torres Jr PN at VisCom LtGen Fernando Reyeg PA ang kanilang buong suporta sa constitutional order, at tiniyak na nananatiling non-partisan ang tropa sa kani-kanilang rehiyon.

“The AFP calls on all sectors of society to work together in maintaining a climate of peace and order, where freedoms and rights are exercised responsibly, and where civic engagement strengthens rather than undermines national stability,” ayon sa AFP.

Pinayuhan din ng ahensya ang publiko sa National Capital Region (NCR) at iba pang rehiyon na manatiling kalmado at disiplinado, habang tiniyak ng mga komanderong rehiyonal na ang kanilang tropa ay handa at nakatuon sa seguridad, kapayapaan, at proteksyon ng mamamayan. –VC

Related Articles

National

Hecyl Brojan

125
Views

National

Joann Villanueva, Philippine News Agency

124
Views