IBCTV13
www.ibctv13.com

75-anyos na Lolo sa Bohol, tagumpay sa 25km marathon gamit ang sira-sirang sapatos

Divine Paguntalan
599
Views

[post_view_count]

75-year old Quirubin Abella sprinting during a 25-kilometer marathon in Dagohoy, Bohol. (Photo by Stefners Photography/Facebook)

Hinahangaan ngayon online ang isang 75-anyos na lalaki mula sa Dagohoy, Bohol na si lolo Quirubin Amaga Abella matapos siyang lumahok sa 25-kilometrong marathon gamit lamang ang kanyang luma at sira-sira nang sapatos.

Ayon kay Lolo Quirubin, may pagka-athletic siya dahil isa rin siyang boxing trainer kaya naman sa gitna ng katandaan, nakahiligan na niyang sumali sa mga palarong takbuhan.

Sa viral photos niya sa social media, sinadya niya raw talagang suotin ang tila pinagtagpi-tagping pares ng sapatos dahil sa sentimental value. 2021 pa kasi nang simula niyang gamitin ang paboritong pares ng running shoes.

Ibinida pa niya na kahit butas-butas ay magandang pang-marathon ang sapatos dahil kahit dumaan siya sa matubig na daan ay hindi ito maiipunan ng tubig sa loob.

Matagumpay namang natapos ni Lolo Quirubin ang naturang palaro sa loob ng isang oras at 56 minuto.

Dahil dito, maraming naantig at humanga sa dedikasyon niya sa pagtakbo at isa na rito ang isang digital sports brand mula sa Davao City na hinahanap ngayon ang runner na lolo upang personal na regaluhan ng bagong sapatos gayundin ng iba pang mga gamit sa pagtakbo.

“Help us find tatay. Meron lang po kaming munting regalo na ibibigay para sa ating super TATAY. Walang impossible,” pahayag ng brand.

Nagpaabot naman ng papuri ang iba pang netizen na nagnanais din na regaluhan siya ng sapatos.

Sa ngayon, umabot na sa higit 23,000 likes at 11,000 shares ang viral photo ni Lolo Quirubin.

Nakatakda siya muling sumali sa isang 24-km run sa Nobyembre 3. — VC

Related Articles

Feature

Jerson Robles

473
Views

Feature

Jerson Robles

5852
Views

Feature

Divine Paguntalan

199
Views