IBCTV13
www.ibctv13.com

89% ng P32-B Computerization Fund ng DepEd, nagamit na – DepEd

Jerson Robles
127
Views

[post_view_count]

(Photo from DepEd Philippines)

Umabot na sa P28 billion o katumbas ng 89% mula sa P32 bilyong pondo mula 2022-2024 para sa computerization program ang na-obligate o nagamit na para sa sektor ng edukasyon ayon sa Department of Education (DepEd).

Kasunod ito ng naging pahayag ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na maaaring gamitin ng ahensya para sa budget cut nito ang mahigit P36 bilyon na hindi umano nagamit sa ilalim ng nasabing programa.

Sa isang pahayag, sinabi ni DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla na nagamit na ng ahensya ang P28.5 bilyon ang mula sa kabuuang pondo nito mula 2022-2024.

“Out of a total budget of PHP32 billion for the DepEd Computerization Program (DCP) from 2022 to 2024, PHP28.5 billion, equivalent to 89 percent, has been obligated as of November 30, 2024,” paliwanag nito.

Nanawagan naman si DepEd Secretary Sonny Angara para sa agarang pag-secure ng pondo upang matupad ang mga layunin ng modernisasyon at computerization sa sektor ng edukasyon.

Ayon kay Angara, mayroong iba’t ibang paraan upang makuha ang kinakailangang budget, kabilang na ang mga natipid na pondo at unprogrammed appropriations.

“Sa ibang bansa binabayaran iyon pero dito sa atin binibigay nang libre. E kaso, kung nawala iyong computer, hindi magagamit iyon,’’ paliwanag ng kalihim.

Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng DepEd sa mga pribadong kumpanya tulad ng Smart para sa libreng internet at Khan Academy para sa mga libreng AI tool na makatutulong sa mga guro at mag-aaral. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

56
Views

National

Jerson Robles

83
Views