
Ipinag-utos ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa Northern Luzon Command (NOLCOM) na simulan na ang pagpaplano kaugnay sa posibleng pananakop ng China sa Taiwan, sakaling kailanganin na ilikas ang mga Pilipino roon.
Kasunod ito ng military drill na isinasagawa ng China sa paligid ng Taiwan kung saan huli itong nag-deploy ng air at navy force gayundin ng rocket systems.
Ayon sa Defense Ministry ng Taiwan, may 19 Chinese warships na namataan malapit sa kanilang response zone.
Binigyang-diin ni Gen. Brawner na prayoridad ang kaligtasan ng aabot sa 250,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan sa gitna ng umiigting na tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
“If something happens to Taiwan, inevitably, we will be involved. There are 250,000 OFWs working in Taiwan and we will have to rescue them and it will be the task of NOLCOM–to be at the frontline of that operation,” paliwanag ng AFP Chief of Staff. – VC