IBCTV13
www.ibctv13.com

Alice Guo, balik-Pinas na para harapin ang iba’t ibang kaso -BI

Ivy Padilla
638
Views

[post_view_count]

PNP-PIO released Alice Guo’s mugshot following successful return to the Philippines today, September 6. (Photo by Department of the Interior and Local Government)

Kinumpirma ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang matagumpay na pagpapabalik kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pilipinas bandang 1:30 a.m. ngayong Biyernes, Setyembre 6.

Lulan ng isang special government flight, kasamang umuwi ni Guo sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. at Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Marbil na personal sumundo sa kanya sa Jakarta, Indonesia.

Pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), agad isinagawa ng BI ang mission order laban sa alkalde na nahaharap sa mga kasong ‘undesirability’ at ‘misrepresentation’ sa ilalim ng Philippine immigration laws.

Binigyang-diin ni Commissioner Tansingco na isang tagumpay para sa justice system ng bansa ang pagkakahuli at pagpapabalik sa dating alkalde.

“This operation demonstrates our unwavering commitment to ensuring that justice prevails, no matter the boundaries,” saad ni Tansingco.

Bandang 9:40 a.m. ngayong araw nang umalis si Guo sa PNP custodial facility sa Camp Crame, Quezon City upang dalhin sa Regional Trial Court sa Tarlac kasunod ng inisyung warrant of arrest laban sa kanya.

Sa isang interview, nilinaw ni PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo na hindi maaaring ilipat sa Senado si Guo sa kabila ng naunang warrant of arrest.

Ito ay kasunod ng panawagan ni Senator Risa Hontiveros na ma-detain sa Senado ang dating alkalde para humarap sa pagdinig sa darating na Lunes, Setyembre 9.

“Hindi po siya basta pwedeng i-release o i-transfer (sa senado) without proper court order po,” paglilinaw ni Fajardo.

Samantala, patuloy ang pangako ni Tansingco sa mas pinalakas na koordinasyon sa Department of Justice (DOJ) upang masiguro ang mabilis na pag-usad ng mga kaso laban sa sinibak na alkalde. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

50
Views

National

Ivy Padilla

68
Views