IBCTV13
www.ibctv13.com

Alice Guo, pinayagan nang dumalo sa pagdinig ng Senado

Ivy Padilla
479
Views

[post_view_count]

PNP-PIO released Alice Guo’s mugshot following successful return to the Philippines on September 6. (Photo by Department of the Interior and Local Government)

Pinayagan na ng Capas, Tarlac Regional Trial Court (RTC) ang hiling ni Senator Risa Hontiveros na padaluhin si dismissed Bamban Mayor Alice Guo sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa darating na Lunes, Setyembre 9, sa ganap na 10:00 ng umaga.

Sa inilabas na kautusan ng RTC Branch 109, inatasan ang Philippine National Police (PNP) Custodial Center na ihatid si Alice Guo sa Senado sa nasabing petsa.

Matatandaang dinala si Alice Guo sa RTC sa Tarlac kasunod ng inisyung warrant of arrest laban sa kanya nitong Biyernes, Setyembre 6 at ibinalik din sa Camp Crame sa Quezon City matapos hindi makapagpiyansa sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Matapos nito, umapela si Hontiveros na ma-detain ito sa Senado na pinakaunang naghain ng arrest warrant laban sa sinibak na alkalde upang makaharap sa mga pagdinig.

Nahuli si Alice Guo ng Indonesian authorities sa Jakarta, Indonesia noong Setyembre 3 at matagumpay na naiuwi sa Pilipinas kahapon, Setyembre 6.

Nahaharap ito sa mga reklamong may kinalaman sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa at katanungan sa tunay na pagkakakilanlan.

Related Articles