IBCTV13
www.ibctv13.com

AMLC, pinatigil ang transaksyon sa P3.9-B assets ng isang dating elected official

Hecyl Brojan
229
Views

[post_view_count]

The Anti-Money Laundering Council obtained two new freeze orders targeting assets of those implicated in the flood-control graft scandal, bringing the total value of immobilized holdings to nearly P12 billion. (Photo from Anti-Money Laundering Council)

Pinatigil ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang paggamit ng humigit-kumulang P3.9 bilyon na assets ng isang mataas na opisyal at dating halal na opisyal, kaugnay ng imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects.

Saklaw ng freeze orders ang 230 bank accounts, 15 insurance policies, dalawang helicopter, at isang eroplano.

Ayon sa AMLC, ang mga assets ay may kaugnayan sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) at Malversation of Public Funds and Property.

“The assets were determined to be linked to violations of Republic Act No. 3019, otherwise known as the Anti-Graft and Corrupt Practices Act,” as well as “Malversation of Public Funds and Property under Article 217 of the Revised Penal Code, as amended,” saad nito.

Ayon kay Executive Director Matthew David, ang naturang hakbang ay magbibigay-daan sa mas malalim na imbestigasyon upang matukoy ang posibleng money laundering scheme na konektado sa umano sa kuwestiyonableng flood control projects.

Sa kasalukuyan, hindi pa pinangangalanan ng AMLC ang mga may-ari ng mga nasabing asset.

“The public can be assured that the AMLC will continue to pursue all possible legal remedies to ensure that those involved in the misuse of public funds are held accountable,” aniya.

Sa kabuuan, umabot na sa P11.7 bilyon ang halaga ng mga assets na na-freeze sa kasalukuyang imbestigasyon, kabilang ang 3,566 bank accounts, 198 insurance policies, 247 motor vehicles, 178 real properties, at 16 e-wallet accounts. – DP