IBCTV13
www.ibctv13.com

Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, pirmado na ni Pangulong Marcos Jr.

Divine Paguntalan
411
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. signed the Anti-Agricultural Economic Sabotage Act on Thursday, September 26. (Photo by PPA Pool)

Tuluyan nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act sa Malacañang Palace ngayong Huwebes, Setyembre 26.

Kabilang ito sa mga priority bill ng administrasyon kung saan nilalayon na puksain ang mga krimen at anumang uri ng pananamantala na siyang makakaapekto sa mga magsasaka gayundin sa buong industriya ng agrikultura.

“Let me be clear: this law does not just target the masterminds; it holds all accomplices accountable—financiers, brokers, employees, even transporters,” pagbibigay-diin ni Pangulong Marcos Jr.

Ang mga itinuturing na economic sabotage ay ang smuggling, hoarding, profiteering at cartel sa mga produktong agrikultural pati na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa lokal na produkto.

Kasabay nito, target din ng batas na maitaguyod ang food security at mapaigting ang patas na kalakalan ng mga produkto.

“It also safeguards public health by preventing the consumption or industrial processing of agricultural products that lack the necessary sanitary and phytosanitary permits. It ensures that what ends up on the tables of every Filipino family are safe and of the highest quality,” dagdag niya.

Ang sinumang lalabag sa batas na ito ay posibleng maharap sa pagkakakulong o multa ng higit pa sa halaga ng produktong ginamit sa krimen.

Sa ilalim ng batas, nakatakdang bumuo ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Council na siyang pangungunahan mismo ng Pangulo katuwang ang mga kalihim ng Agriculture, Finance, Transportation, Trade and Industry, Interior and Local Government, Justice at iba pang opisyal ng concerned agencies.

Isa lamang ito sa marami pang hakbang ng administrasyon upang masiguro ang seguridad sa pagkain ng mga Pilipino at masuportahan ang sektor ng agrikultura dahil nananatili itong haligi ng ekonomiya ng Pilipinas. — VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

75
Views

National

Ivy Padilla

81
Views