IBCTV13
www.ibctv13.com

Apat na PH icon ng sining at kultura, gagawaran ng Presidential Medal of Merit

Hecyl Brojan
205
Views

[post_view_count]

Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales; ‘Superstar’ and National Artist for Film Nora Aunor; Queen of Philippine Cinema Gloria Romero and internationally acclaimed chef and restaurateur Margarita Fores. (Photos from Corrales; Aunor; Romero; Fores’ Instagram and Facebook)

Gagawaran ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Presidential Medal of Merit ang apat na yumaong Pilipinong personalidad bilang pagkilala sa kanilang pambihirang ambag sa sining at kulturang Pilipino sa darating na Mayo 4.

Sila ay sina National Artist for Film Nora Aunor, Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales, veteran actress Gloria Romero, at ang internationally acclaimed chef na si Margarita Fores.

Si Aunor ay kinilala sa kanyang mahigit limang dekadang pagganap sa mga makasaysayang pelikula gaya ng Himala at Tatlong Walang Diyos.

Si Corrales naman ay isang trailblazer sa larangan ng musika na nagbigay-daan upang makilala ang Filipino artists sa buong Asya.

Si Romero ay tinaguriang haligi ng pelikulang Pilipino, at Fores na kinilalang Asia’s Best Female Chef noong 2016.

Ang medalya ay iginagawad sa mga natatanging indibidwal na naghatid ng karangalan sa bansa sa pamamagitan ng kanilang kontribusyon sa kani-kanilang larangan. – VC

Related Articles