
A rescued dog named Tiktok were shot by five Indian target arrows in Negros Occidental. (Photo from BACH Project PH/Facebook)
Kalunos-lunos ang sinapit ng isang aso sa Negros Occidental, pinangalanan bilang TikTok, matapos panain sa katawan gamit ng limang Indian target
Sa viral Facebook post ng Bacolod Animal Chance & Hope (BACH) Project PH nitong Lunes, Pebrero 24, natagpuan ng kanilang rescue team si TikTok na nanghihina at tila ilang oras na sa kanyang kalagayan sa Hacienda, Puyas, Blumentritt, Murcia.
Bumuhos naman ang pag-alala ng netizens para sa pinanang aso kung saan may isang anonymous donor pa ang nagpaabot ng perang pabuya na nagkakahalaga ng ₱10,000 para sa makakapagturo sa sinumang may kagagawan nito.
As of February 26, umabot na sa ₱65,000 ang perang nalikom ng BACH Project PH kabilang na ang ₱15,000 na ipinaabot ni Senator JV Ejercito.
Isa pang sikat na Youtube vlogger o kilala bilang Tukomi ang nangako ng ₱100,000 halaga ng karagdagang pabuya para mahuli ang indibidwal na pumana kay TikTok.

Sa pinakabagong update ng Bacolod animal rescue nitong Martes, Pebrero 25, masaya nitong ibinalita na naging matagumpay ang operasyon ng aso ngunit kinakailangan pang sumailalim sa close monitoring.

“He’s now under close monitoring…to help his deep wounds heal properly. He’s also undergoing laser therapy for the next 7 days. This will speed up recovery and reduce inflammation,” saad ng grupo. – VC