IBCTV13
www.ibctv13.com

Atin Ito coalition, pinuna ang iginigiit na pagtulong ng Chinese Embassy, state media sa isang mangingisda sa WPS

Kristel Isidro
129
Views

[post_view_count]

Photo from Chinese Embassy in Manila

Binatikos ng civil society coalition na “Atin Ito” ang naratibo ng Chinese Embassy Manila kaugnay ng isang insidente sa West Philippine Sea (WPS) kung saan inilalarawan bilang pagbibigay ng “assistance” sa isang Pilipinong mangingisda.

Ayon sa grupo, ang naturang pahayag ay isa lamang umanong desperadong hakbang upang linisin ang imahe ng China sa gitna ng matagal nang tensyon sa teritoryo ng Pilipinas.

Mariing pinabulaanan ng Atin Ito ang iginigiit ng Chinese Embassy na likas umanong pagtulong ng kanilang mga barko sa sinumang mangingisdang nasa panganib sa katubigan, anuman ang lahi o bansa.

Ayon kay Atin Ito Co-Convenor Rafaela David, kung susundin ang lohika ng embahada, tila itinuturing na “lifeboat” ang water cannon, “rescue” ang banggaan ng mga sasakyang-dagat, at “tulong” ang mga agresibong aksyon ng China.

Dagdag niya, walang ibang idinulot ang presensya ng Chinese Coast Guards vessels sa WPS kundi pananakot at karahasan.

Binigyang-diin din ng grupo ang maraming taon nang paulit-ulit na pang-haharass ng mga barko ng Tsina sa maliliit na bangkang pangisda ng mga Pilipino sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Kabilang na rito ang insidente noong 2019 sa Recto Bank, kung saan binangga at iniwan ng isang Chinese trawler ang F/B Gem-Ver, isang bangkang pangisda ng Pilipino, dahilan upang mapadpad sa gitna ng dagat ang 22 sakay na mangingisda.

Dito binigyang-diin ng Atin Ito na hindi sila iniligtas ng China, sa halip, ang trawler ay tumakas na paglabag sa maritime laws at maging sa batayang prinsipyo ng isang makataong asal.

Tinuligsa rin ng grupo ang pahayag ng Chinese state-run na Global Times na nagsasabing may matagal umanong tradisyon ang China ng pagtulong sa mga taong nasa katubigan.

Ayon sa grupo, salungat ito sa aktuwal na rekord ng karahasan ng nasabing bansa sa WPS.– VC

Related Articles

National

Wilnard Bacelonia, Philippine News Agency

149
Views

National

Darryl John Esguerra, Philippine News Agency

352
Views